Pinagdedenatehang mandatory ROTC, pinaburan ng DepEd Naga

NAGA CITY- “Maganda ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa college, nagdedevelop din ito ng pagiging Makabayan”.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman, nang matanong sa kung ano ang reaction sa sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA)  nitong Lunes.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay  De Guzman, ang binabanggit niya ay base sa kaniyang karanasan noong nasa kolehiyo pa,  kung ganito rin aniya ang nais sa Mandatory ROTC sa Grade 11 and 12 pabor siyang ibalik ito at maging mandatory.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Binanggit ni Pangulong Marcos Jr na ang ROTC ay naglalayong maging handa sa national defense, disaster preparedness at capacity building for risk-related situations, usaping patuloy na pinagdedebatehan ng mga netizen sa social media.