NAGA CITY- Sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Camarines Sur ang “Peryahan Ng Bayan” sa Naga City.
Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Philippine Charity Sweeptakes Office Provincial Branch Manager Jobet Ramos na bawal ito at una nang nagpalabas ng memorandum ang Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa suspension ng ganitong klase ng pasugalan.
Arestado ang 17 katao ; kinabibilangan ng mga empleyado na residente ng probinsya ng Quezon. Casher, collector, kuryador at checker na mga taga Naga at Camarines Sur, damay din ang tatlong by stander.
Ayon kay CIDG Provincial Officer PLtCol. Mederic Villarete dalawang araw pa lamang ang operasyon; sa Barangay Peñafrancia ang draw area habang sa Barangay Dayangdang ang “kaskasan” o kung saan konokolekta at nireremit ang taya.
Nakumpiska ang P12, 070 na cash, mga papelitos, ballpen , stamp pad at iba pang gamit sa pagpapataya.
Ang depensa ng mga naaresto… ang alam nila legal ang kanilang operasyon.