Nais ng isang kongresista na ituring “emotional abuse” ang “ghosting,” o biglang paglaho ng isang tao na wala man lang paalam o walang dahilan.
Paliwanag ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves sa kanyang inihaing House Bill 611, na nakakaapekto sa mental health ng isang tao ang ghosting.
Giit pa nito, na ang malabo sa ghosting ay walang real closure sa pagitan ng mga kinauukulang partido, na maaring mahalintulad bilang uri ng emotional cruelty.
Ipinaliwanag naman sa ilalim ng panukala na ang saling “relationship” ay “parties live as husband and wife without the benefit of marriage or are romantically involved over time.”
Samantala, ang “casual acquaintance or ordinary socialization between two individuals in a business or social context is not a dating relationship,” batay pa sa paliwanag sa panukala.
Wala naman nakasaad dito kung ano ang magiging parusa o multa sa ghosting na maaaring talakayin sa komite kapag pinag-usapan na.
Agad naman pinag-usapan sa social media ang naturang panukala kung saan ang ilan ay idinaan na lang mga memes at mga biro ang naturang isyu.
