Pilot testing ng ‘Eye Care, We Care Program’ ng PLGU ng Sorsogon, magsisimula na ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw, September 22, 2023 ang pilot testing ng Eye Care, We Care ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay 2nd District Board Member Roland Anonuevo, Chairman ng Committee on Health, Demography, Senior Citizens and Persons with Disability, magiging pilot ng nasabing program ang Sorsogon City.

Aniya ngayong araw magsisimula sa Rural Health Units ng lungsod ang libreng check-up para sa mga Sorsoganon na may problema sa mata.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Bagama’t Sorsogon City ang pilot testing ngayon, inaasahan na sa mga susunod na buwan ay magsisimula rin ang nasabing programa sa mga bayan. 

Ayon pa kay Anonuevo, sa  ngayon nasa 75 pasyente ang inisyal na tatanggapin bawat araw at sa susunod na taon ay tataas aniya ito na posibleng umabot sa 200 na pasyente bawat araw.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang Eye Care, We Care program ay bahagi ng Kalusugan Initiative ng 7K flagship program ng Pamahalaang Lalawigan. Mahigit P20M  ang inilaan sa pagsisimula ng nasabing programa mula sa kabuuang mahigit P800M pesos na inilaan para sa health program ng PLGU.