Trust and Approval ratings nina Pangulong Marcos at VP Sara, bumaba

Bumaba ang trust at approval ratings nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio batay sa survey ng Publicus Asia sa ikatlong bahagi ng taong 2023.

Mula 62% approval rating ng Pangulo sa ikalawang bahagi ng taon, bumaba ito sa 55%.

Natapyasan ng 47% mula sa 54% trust rating ng Chief executive noong 2nd quarter ng taon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Bumaba naman sa 62% ang approval rating ni VP Sara na dati’y 67%, gayundin ang kanyang trust rating mula sa 61% ay naging 55%.