Transport groups – nagbanta ng panibagong tigil-pasada

Nagbabala ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magpapatupad ng tigil pasada dahil sa sunud-sunod na taas-presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay PISTON-Baclaran leader Cirilo Latoreno, mapipilitan silang magpatupad muli ng tigil-pasada kung hindi aaksyunan ng pamahalaan ang patuloy na dagdag-presyo ng langis sa Pilipinas.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Sinabi ni Latoreno na P500 kada araw ang nawawalang kita sa mga jeepney drivers o katumbas ng P12,500 kada buwan sanhi ng mataas na presyo ng mga oil products.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na posibleng magtagal pa ng hanggang Disyembre ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.