Pilot implementation ng Food Stamp Program – lalarga na sa susunod na linggo

Tinatayang aabot sa 50 mga ‘food-poor’ families sa Tondo sa Maynila ang makabebenepisyo sa pilot implementation ng Food Stamp Program (FSP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa Saturday News Forum – sinabi ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na ikakasa nila ang unang batch ng FSP sa Tondo sa July 18.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sa kabuoan, aabot aniya sa 3,000 indigent families ang target na beneficiaries ng Kagawaran sa loob ng anim na buwan.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Makatatanggap ang mga benepisyaryo ng digital stamps na nagkakahalaga ng P3,000 worth of food credits; pati na rin ang pagkakaroon ng nutrition development classes.

Magkakaroon din sila ng mga training programs at ‘reskilling’ para hindi maging ‘ayuda-dependent’ ang mga benepisyaryo at magkaroon ng sariling pangkabuhayan.
#