Lalo pang tumaas ang estimates ng mga oil industry sources sa inaasahang taas-presyo sa lahat ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtataya – posibleng maglaro sa P1.80 hanggang P2.30 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Sa gasolina naman, posible rin ang P1.70 hanggang P2.30 na price hike sa kada litro nito.
Mayroon ding inaasahang umento sa kada litro ng kerosene mula P1.70 hanggang P1.90.
Sa araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na adjustment, habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.
#