Bagong album ng Parokya ni Edgar, malapit nang ilabas

Isiniwalat ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda na ilang araw na lang ang bibilangin bago ma-release ang bagong album ng kanilang banda.

Sa post ni Miranda sa Instagram noong Miyerkules, ay ibinahagi niya na lalabas na “in 2 days” ang bagong album nila na may title na “Borbolen.”

Sinabi ni Chito na ilan sa mga kanta sa album ay isinulat nila matapos mailabas ang kanilang huling album na “Pogi Years Old” noong limang taon na ang nakararaan.

Ang iba naman aniya, ay nilikha digitally.

Aniya, sa tulong ng email at Google Drive ay nabuo ang mga nasabing kanta na kanilang ni-record at sinulat sa gitna ng pandemya

Napag-alaman rin na kabilang sa mga kanta na magiging bahagi ng kanilang upcoming album ay dapat naging bahagi ng album na “Bigotilyo” na kanilang ni-release noong 2003.

Noong nakaraang taon ay nagawa ng Parokya ni Edgar na makapasok sa top OPM artists sa Spotify for 2020.