Pilipinas, suportado ang Israel sa hidwaan nito sa militanteng grupong Hamas

Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng kanyang administrasyon para sa Israel sa hindi raw makataong pag-atake ng teroristang militanteng grupong Hamas.

Sinabi ito ng Pangulo nang makaharap niya si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa MalacaƱang.

Sa kabila nito, pinasalamatan ni Marcos ang Israel, partikular ang Israeli Defense Forces, sa pag-resuce sa mahigit 20 Pilipino at paghatid sa kanila sa kaligtasan at seguridad.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipinaalam ni Fluss kay Marcos ang pinakabagong impormasyon sa mga pag-atake ng mga militanteng Hamas laban sa bansang nasalanta ng digmaan.

Sa ngayon, wala pang rekomandasyon ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mandatory evacuation ng mga Pilipino mula sa Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *