Pagpapauwi sa bangkay ng 2 Pinoy na napatay sa Israel, inaasikaso na ng embahada

Kumikilos na ang Embahada ng Pilipinas sa bansang Israel, para sa pagpapauwi ng mga bangkay ng dalawang Pilipino napatay sa hidwaan ng Israel at Hamas.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Welfare Officer Dana Ponciano na nakikipag ugnayan na sila sa Israel authorities para ma-retrieve ang mga bangkay.

Sa panig ni Philippine Ambassador to Israel Junie Laylo Jr., nakausap na nito ang pamilya ng mga biktima at nangakong ibibigay nila ang lahat ng kinakailangang tulong.

Una nang napaulat ang pagkamatay ng 33 anyos na babae na tubong Pangasinan at 42 anyos na lalaki na mula Pampanga, sa unang araw ng pag atake ng Hamas.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pakikipag ugnayan ng Embahada sa mga lokal na otoridad para mahanap ang tatlo pang Pilipino na nawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *