Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque na ang mas mababang bilang ng bagong COVID-19 infections ay hindi nangangahulugan na narating na ng bansa ang peak ng mga kaso.
Sinabi ni Duque na hindi niya pa nakikita ang downward trend ng mga kaso sa Pilipinas.
Ipinunto niya na ang pagbaba ng bilang ng mga kaso noong Martes ay resulta ng low testing output noong Linggo.
Inihayag ng kalihim na nasa acceleration phase pa rin ang surge ng Pilipinas.
Aniya, ginagawa na ng gobyerno ang lahat upang ito upang mag-decelerate, katulad ng nangyari noon sa South Africa kung saan ay mabilis tumaas ang mga kaso ngunit kalaunan ay mabilis rin bumaba.
Binigyang diin naman ni Duque na naobserbahan ng Department of Health ang mas mababang figures sa bilang ng mga nasasawi kumpara sa panahon na nagkaroon ng surge ng Delta variant noong nakaraang taon.
