Pilipinas, napag-alamang walang batas hinggil sa anumang document leak

Isiniwalat ni Senador Francis Tolentino sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na walang anumang batas ang Pilipinas hinggil sa document leak.

Anya, inaral niya ang batas ng Pilipinas at tanging circular lang tungkol dito ang mayroon.

Read More:  Abante says Duterte impeachment trial should end before December

Alinsunod nito, inanunsyo ni Tolentino sa naging pagdinig na inihain na niya sa Senado ngayong umaga ang Senate Resolution No. 2667 o National Security Information Clearance Act.

Read More:  DOJ expects Apollo Quiboloy’s extradition case could move forward within months

Layunin ng panukalang batas na ito na magpataw ng parusa sa sinumang lalabag sa leakage o breach ng mga confidential document.

Samantala, binigyang-diin ni Senador Jinggoy Estrada na walang lugar ang mga sinungaling sa gagawing pagdinig.