GOOD NEWS sa mga MOTORISTA – P2 na rollback sa gasolina – epektibo na bukas!

Simula bukas ay lalarga na ang panibagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng mga oil companies, may ibabawas na P2.00 sa kada litro ng gasolina.

May itatapyas naman na P0.50 sa kada litro ng diesel; habang P0.85 naman ang iro-rollback sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikatlong linggong sunud-sunod na rollback sa gasolina; habang ika-apat na linggong rollback na rin sa diesel at kerosene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *