PAMALAKAYA – binatikos ang ‘greenwashing’ ng pamahalaan sa Verde Island Passage

Hindi sang-ayon ang grupong PAMALAKAYA sa kasunduan ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy, at tatlong kompanya para sa legal na proteksyon at pangangalaga sa Verde Island Passage.

Ayon kay PAMALAKAYA National Chairperson Fernando Hicap, ang pakikipagtulungan ng pamahalaan ay mababahiran ng pang-aabuso sa kalikasan lalo’t sangkot umano ang mga kompanya sa reclamation at sea bed mining activities na sumisira sa mangrove trees at coral reefs sa Manila Bay.

May mga proyekto rin umano ang mga kompanya na direktang apektado ang kabuhayan at displacement ng libu-libong pamilya ng mga mangingisda.

Binigyang diin ng grupo na walang mapapala ang marine ecosystem ng Verde Island Passage dahil ‘greenwashing’ o taliwas sa pagiging eco-friendly na layunin ng kasunduan.

Hinamon naman ng grupo ang iba’t ibang eksperto na makiisa sa mga mangingisda sa tunay na pagprotekta sa tirahan ng mga yamang-dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *