Pilipinas, nakiusap sa mga mayayaman na bansa na tigilan na ang vaccine hoarding

Nakiusap ang Pilipinas sa mga mayayaman na bansa sa ginanap na UN General Assembly na tigilan na ang COVID-19 vaccine hoarding sa gitna ng paglaganap ng bagong variants.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na habang nagho-hoard ng life-saving vaccines ang mga mayayaman na bansa, ay meron mga mahihirap na bansa ang naghihintay sa tira-tira.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Iginiit ng Punong Ehekutibo na nagpaplano na ng booster shots ang iba, habang nagtitiis ang mga developing countries sa mga half-doses para lamang makaraos.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Ayon sa Pangulo, hindi ito kapani-paniwala, at bagay ito na dapat kondenahin.

Ipinunto ng Pangulo na hindi maju-justify rationally o morally ang pagka-ganid.