Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud umakyat na sa 168, panibagong kaso ng pagkamatay naitala

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 168 ang bilang ng mga tinaman ng COVID- 19 sa bayan ng Basud Camarines Norte matapos na madagdagan ito ng anim na bagong kaso kahapon.

Batay ito sa latest COVID- 19 bulletin na ipinalabas ng Lokal na Pamahalaan.

Nakapagtala rin ng bagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID- 19 sa naturang bayan at ito ay si Bicol No 33514 na isang 84 anyos na babae mula sa Barangay Mantugawe.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Namatay ito noong September 20 sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong September 14 at hindi alam kung paano nakuha ang sakit lalo’t wala naman itong travel history.

Dahil dito umakyat na rin sa 13 ang bilang ng mga nasawi at halos lahat ng ito ay ngayon lang 2021.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kabilang din sa anim na bagong nagpositibo sa sakit ay isang guro na walang travel history at “unknown” din ang history of exposure at isang Lending Corporation Area Supervisor na mayroon namang travel history sa Albay.

Sa ngayon ay mayroong 13 aktibong kaso ng sakit sa naturang bayan habang 142 naman ang gumaling.