58 bagong kaso, 37 nakarekober at 5 nasawi dahil sa COVID-19, naitala sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 2, 408 ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Ito ay matapos na maitala ang 58 bagong kaso sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol kahapon

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

21 ang nagmula sa bayan ng Daet, 10 bagong kaso mula sa Talisay, 9 sa Jose Panganiban, 6 ang nagmula sa Basud, 5 sa Labo, 4 sa Mercedes at 3 sa Vinzons

Bunsod nito, sumampa na sa 770 ang aktibong kaso ng sakit sa Camarines Norte

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Samantala, nakapagtala naman kahapon ang lalawigan ng 37 mga pasyanteng gumaling sa sakit kaya’t mayroon ng 1,546 total recoveries

Habang, umakyat rin ang bilang ng mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 sa 92 matapos na makapagtala ng 5 bagong kaso kahapon