Pilipinas, nakapagtala ng higit 2 milyong turista sa buwan ng Abril

Nakapagtala ang Department of Tourism (DOT) ng higit 2 milyong turista na bumisita sa bansa.

Ayon sa DOT, hanggang April 24 ay umakyat na sa 2,010,522 ang mga international visitors na pumasok sa Pilipinas.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Mula rito, 1.9M ang mga dayuhan, habang ang natitirang 116,446 ay mga overseas Filipinos.

Ibinahagi rin ng ahensya na karamihan sa mga foreign tourists ay South Korean kung saan aabot na ang bilang nito sa higit 500,000.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kumpyansa naman si DOT Sec. Christina Gracia Frasco sa paglagong naitatala ng turismo sa bansa.

Mababatid na target ng tourism department ang 7.7M international tourist arrivals ngayong taon.