Menor de edad, arestado matapos makumpiskahan ng hinihinalang marijuana sa Candelaria, Quezon

Arestado ang isang menor de edad matapos itong makumpiskahan ng hinihinalang marijuana sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay San Andres, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Abril 24.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Batay sa report, nakabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang marijuana sa suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nasamsam sa suspek ang mahigit dalawang (2) gramo hinihinalang marijuana at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.