Nakapag-detect ang Pilipinas ng 144 new cases ng omicron COVID-19 subvariants.
Ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Health (DOH), 81 sa mga ito ang BA.2.3.20, 1 ang BA.2.75, 7 ang BA.5, 43 ang XBB, 1 ang CBC, at 11 naman ang iba pang omicron subvariants.
Samantala, wala pang nade-detect na omicron subvariant XBB.1.5 ang Pilipinas.
Paliwanag ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang subvariant na ito ay may mabilis na growth advantage kumpara sa ibang mga subvariants.
Matapos mawala ng mga naging “variants of concern” gaya ng alpha at delta, nangibabaw umano ang omicron at ang mga sublineages nito sa taong 2022. // SMM
