Lalaking Chinese na nawala matapos na ipadala sa COVID-19 quarantine sa South Korea, nahanap na

Nahanap na ng South Korean Police kahapon ang isang lalaking Chinese na nawala matapos magpositibo sa COVID-19 pagdating sa Incheon Airport.

Natagpuan ito sa isang hotel sa Seoul at dadalhin sa isang quarantine facility upang gugulin ang itinakdang pitong araw na quarantine.

Ayon sa mga awtoridad, maaari siyang makulong ng hanggang isang taon o pagmultahin ng 10 milyong won ($7,840) kung mapatunayang nagkasala ng paglabag sa Infectious Disease Control and Prevention Act.

Matatandaang sinimulan ng South Korea na hilingin sa mga travelers mula sa China na sumailalim sa PCR test pagdating sa bansa kasunod ng desisyon ng China na isuspinde ang  zero-COVID policy nito.//CA