Inanunsyo ng Pilipinas na nakapagtala ito ng 989 na bagong COVID-19 cases.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na naging mas mababa sa 1,000 ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases.
Naiulat rin ng Department of Health na nasa 4.5 percent lamang ang postivity rate base sa test results ng samples mula sa 27,143 na katao noong March 1.
Mula sa mga bagong kaso, 879 o 89 percent ang nangyari sa nakalipas na 14 na araw.
Nanguna ang Metro Manila sa dami ng naitalang kaso na umabot sa 192 infections, sumunod naman ang Calabarzon na may 111 na kaso, at Central Visayas na may 101 na kaso.
Sa ngayon ay meron mahigit 3.6 million na kaso ang Pilipinas, kabilang na ang 50,458 na nanatiling aktibo.
Nadagdagan naman ng 34 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa epekto ng virus.
Dahil diyan ay umakyat na sa 56,538 ang death toll.
Ayon sa DOH, mula sa mga bagong nasawi, 11 ang naitala ngayong buwan, tatlo noong nakaraang buwan, isa noong November, 2021, apat noong October, 2021, tatlo noong September, 2021, tig-isa noong June at May, 2021, apat noong April, 2021, tatlo noong March, 2021, at tig-isa noong November, September, at April, 2020.
Naiulat rin ng DOH na nagtala ito ng 1,348 na bagong recoveries.
Sa ngayon ay nasa mahigit 3.5 million na ang kabuoang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa buong bansa.
