Transport group, humirit na mataasan sa P15 ang minimum fare sa jeepneys

Naghain ng petisyon ang ilang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mataasan ang minimum fare sa mga jeepneys sa P15 sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo ng langis.

Sa petisyon ay sinabi ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) na hindi na kinakaya ng drivers at operators na pakainin ang kanilang pamilya ng tatlong beses sa isang araw dahil sa price hikes ng mga pangunahing bilihin.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Dahil diyan ay sinabi ng grupo na napilitan ang sektor ng transportasyon na ihain ang petisyon na humihingi ng konserbatibong pagtaas sa minimum fare na aabot sa P15 sa unang apat na kilometro.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Nauunawaan naman ni LTOP president Orlando Marquez ang posibleng epekto ng fare increase sa mga commuters.

Gayunman, kailangan rin aniya nila na maghanap-buhay.