Pilipinas, nais mabigyan ng booster shots ang mas maraming heathcare workers ngayong Nobyembre

Plano ng gobyerno na mabigyan ng booster shots ang karamihan ng 1.6-million na vaccinated health workers sa bansa pagdating ng katapusan ng Nobyembre.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nais lamang ng gobyerno na maging handa ang healthcare system ng bansa sakaling magkaroon ng panibagong surge ng infections sa bansa..

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Iginiit ni Galvez na kailangan nang matapos sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng booster shots.

Ipinunto niya na sumisipa na muli ang mga kaso sa Europa.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Mababatid na sinimulan na ng bansa ang inokulasyon ng fully vaccinated health workers gamit ang booster shots matapos ilabas ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang mga panuntunan nito para sa karagdagang bakuna.