Germany kinumpirmang nakakaranas ng 4th wave ng COVID-19 surge

Kinumpirma ni Germany Chancellor Angela Merkel na nahaharap sa “dramatic” fourth wave ng COVID natin ang kanilang bansa.

Ayon sa report, umabot ang daily infections sa Germany sa 52,826 sa gitna ng paglaban ng Europa sa surge ng infections.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Kaugnay nito ay nanawagan si Merkel ng mas mabilis na booster drive habang nanawagan ito ng kooperasyon sa mga hindi pa nakakapagpabakuna.

Bagamat mas mababa ang death toll sa Germany kaysa sa ibang bansa tulad ng United Kingdom, nabahala pa rin sila sa 294 na patay sa loob ng 24 oras.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Marami na ring lugar sa Germany ang pinapayagan lamang ang mga bakunado sa mga bars, cafe, hairdressers at mga gyms.

Maliban sa Germany, nahaharap din sa surge ng COVID-19 infections ang Belgium, Austria, the Netherlands, Sweden, Czech Republic at Slovakia.