Kinumpirma ng World Bank na muli silang maglalabas ng $810-million dollars na loan para sa Pilipinas.
Ayon sa World Bank ang perang ipapa-utang sa Pilipinas ay nakalaan para sa pandemic recovevery, pagpapaunalad ng disaster resilience at tulong para sa education sector.

Kabilang umano dito ang $600 million promoting competitiveness and enhancing resilience to natural disasters sub-program 3 loan, $110-million financing para sa teacher effectiveness and competencies enhancement project, at $100-million loan para sa pagpapalakas ng alternative learning system.
Ang naturang halaga ay dagdag sa P11.6 trillion na kasalukuyang utang ng bansa sa iba’t-ibang international financial organization.