Bumaba sa 0.57 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region mula October 10 hangang 16.
Ayon sa OCTA research group maituturing na umano itong nasa low risk category.

Mas mababa ang naturang bilang sa 0.60 reproduction number na unang inilabas nang grupo noong Huwebes.
Maliban dito naitala din ng OCTA ang 17% na pagbaba sa growth rate COVID-19 cases kumpara sa nakalipas na linggo.
Sa kabila nito mataas pa rin umano ang Health care utilization rate na umabot sa 44% habang ang ICU utilization ay nasa 59% pa rin.