Malapit na maabot ng Pilipinas ang 100-million mark pagdating sa bilang ng COVID-19 vaccine doses naipamahagi na sa publiko mula nang mag-umpisa ang inokulasyon noong Pebrero, 2021.
Noong Lunes, ay naiulat ng mga otoridad na umabot na sa 77.4-million doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas mula sa iba’t-ibang manufacturers.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na may dagdag na 25-million doses pa ang darating ngayong buwan.
Kasama na sa bilang ang 10-million doses ng Pfizer vaccines, 5-million doses ng Moderna, 10-million doses ng Sinovac, at 5.9-million doses na magmumula sa donasyon ng US-COVAX facility.