Pilipinas, critical risk na sa COVID-19 transmission

Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque na maituturing na bilang “critical risk” ang COVID-19 transmission sa Pilipinas.

Sinabi ni Duque na base sa pinakahuling run ng genome sequencing ay lumabas na 60 percent ang positibo sa Omicron variant.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ipinunto naman ng Health chief na sa kabila ng patuloy na pagsipa ng bagong infections, ay nanatiling mas mababa ang severe at critical cases kumpara sa naobserbahang sitwasyon nang magkaroon ng surge ng delta variant noong September 2021.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Umapela naman si Duque sa local government units na palakasin ang kani-kanilang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate o PDITR strategies.