Ilang presidentiables, pinaaksyunan ang panghahack sa Comelec

Inalmahan ng ilang presidential candidates para sa susunod na taon ang napaulat na pangha-hack sa system ng Commission on Elefctions.

Base sa Technews Team ng Manila Bulletin ay naberipika nito mula sa isang source na hindi nito pinangalanan na nagkaroon ng hacking noong Sabado.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hiniling na niya sa in-house Comelec-accredited cyber-security team ng Senado na gawin ang lahat ng makakaya nito para makakuha ng impormasyon sa umano’y hacking sa kabila ng limitado nilang accessibility.

Iginiit ng presidential aspirant na dapat nilang ma-establish kung sino ang makikinabang sa napaulat na hacking.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Hinimok naman ni Vice President Leni Robredo at ng kaniyang running mate na si Senator Kiko Pangilinan ang poll body na tiyakin na hindi na mangyayari ito upang hindi maapektuhan ang integridad ng May 2022 elections.