Tiniyak ng Philippine Genome Center na maglalabas ito ng mas maraming datos nito sa whole genome sequencing sa COVID-19 cases ng bansa sa katapusan ng linggo.
Sa kasalukuyan ay naitala na sa bansa ang 43 Omicron variant cases, kabilang na ang 21 na local cases at 22 na mula sa international travelers.
Ipinunto ni PGC executive director Dr. Cynthia Saloma na nasa 500-700 samples ang kanilang isinasailalim sa sequencing noong isang araw.
Samantala, inihayag ni Saloma na minomonitor na ng mga otoridad ang presensya ng bagong variants matapos mapaulat ang IHU at Deltacron o Delmicron sa ilang bansa.
Nilinaw naman ni Saloma na ang pag-detect ng isang laboratoryo sa variant na may maraming mutations ay hindi nangangahulugan na mas magiging trasmissible o severe na ito.
