Pilipinas, bigong masungkit ang silver laban sa Indonesia sa ASEAN games

Pinabagsak ng Indonesia ng Adamson University highschool boys basketball sa ASEAN school games boy basketball event.

Natalo ang koponan ng Pilipinas sa score na 56-54, na ginanap sa Vietnam.

Maalalang nanalo naman sila sa semi finals laban sa Vietnam na may score na 75-55.

Samantala, sa women’s division naman ay nasungkit din ng Pilipinas ang silver medal matapos matalo  nito laban sa Thailand na may score na 69-53.

Sa pagtatapos  ng naturang multi-sport event, nakasungkit ang Pilipinas ng 2 gintong medalya, 8 silver medals, at 20 na bronze medals. (Jim Erick Montealegre – Brigada News Intern)