Inanunsyo ng Hongkong government na kinanseka nito ang mga pasaporte ng anim na aktibistang pro-democracy na tumakas patungong United Kingdom.
Mula noong 2019, pinalakas ng Hong Kong ang pagdurog sa oposisyon sa pamamagitan ng mga batas sa seguridad, na sinasabing nagpapahina sa kalayaan ng lungsod ayon sa mga kritiko.
Noong nakaraang taon, naglabas ang Hong Kong ng mga bounty na nagkakahalaga ng HK$1 milyon para sa 13 aktibistang nakabase sa ibang bansa na inakusahan ng mga awtoridad ng paglabag sa pambansang seguridad.
Bukod sa pagkansela ng kanilang mga pasaporte ng Hong Kong, sinabi ng pulisya na ang sinumang mag-aalok ng pondo, magpapaupa ng ari-arian, o magpapatakbo ng negosyo kasama ang mga ito ay maaaring makulong ng hanggang pitong taon. (Michaela Jane De Leon – Brigada News Intern)
