Nagkaroon ng ‘frank and candid exchange of views’ ang Pilipinas at ang China hinggil sa mga usapin sa West Philippine Sea.
Nagkaroon muli ng Bilateral Consultation Mechanism sa pagitan nina Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at counterpart na si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong.
Sa kabila nito, hindi nagkaroon ng malinaw na solusyon para plantsahin ang gusot sa ilang areas sa WPS na inaangkin ng China, kabilang na ang Sabina o Escoda Shoal na kung tawagin naman ng China ay Xianbin Reef.
Sabi kasi ng Chinese official – mananatili pa rin ang posisyon ng China na sa kanila ang naturang teritoryo.
Sa huli – nagkasundo raw ang Pilipinas at China na magkaroon ng patuloy na diskusyon para ma-explore pa ang mapayapang mga pamamaraan para mabawasan ang tensyon sa teritoryo.