Sa ikalawang pagkakataon ay muling ipina-cite-in-contempt si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagpapatuloy ng Quad Committee hearing sa Kamara.
Si Bukidnon Second District Representative Jonathan Keith Flores ang nag-mosyon na ipakulong si Roque hangga’t hindi nito isinusumite ang mga dokumentong ipina-subpoena ng quad comm.
Una rito ay nangako si Roque na isusumite ang mga naturang dokumento kabilang ang deed of sale at Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Bukod kay Roque, naglabas din ng contempt order ang mega-panel laban kay SPO4 Art Narsolis dahil sa kabiguan nito na dumalo sa pagdinig.
Si Narsolis ang sinasabing nag-utos umano sa persons deprived of liberty na patayin ang tatlong Chinese drug lords sa Davao Prison and Penal Farm.