Binigyang-diin ni Senador Migz Zubiri na ang exclusion o paghihiwalay ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay makaaapekto sa nalalapit na 2025 elections.
Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na inaasahang magpapatuloy pa rin ang halalan.
Samantala, kailangan umanong magsagawa ng ilang mga adjustment ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay dito.
Ang mga probinsya aniya ng Lanao del Sur, Basilan, Tawi-Tawi, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur ay boboto para sa mga miyembro ng Bangsamoro Parliament; habang kailangang amiyendahan ng Comelec ang mga balota para sa paghihiwalay sa Sulu.
Sa huli, mariing sinabi ng mambabatas na nakadepende na sa poll body ang pag-interpret sa kautusan ng Supreme Court.
Umaasa umano ito na hindi magdudulot ng delay ang naturang hakbang para sa eleksyon.