Magbabalik sa UST Tiger si coach Pido Jarencio para pangunahan ang University of Santo Tomas men’s basketball team.
Sa ulat ng The Varsitarian, ang official publication ng UST, si Jarencio ay opisyal nang pinangalanan bilang coach ng Growling Tigers kapalit ni Bal David.

Kumalat ang mga ulat tungkol sa nalalapit na pagbabalik ni Jarencio sa UST mula nang ipahayag ni David ang kanyang pagbibitiw sa squad pagkatapos lamang ng isang season.
Tinapos ng Tigers ang season sa ilalim ng standing na may nakakadismayang 1-13 win-loss card.
Unang pinangasiwaan ni Jarencio ang UST team noong 2006 at pinangunahan ang España-based cagers sa UAAP championship ang huling titulo ng Tigers sa men’s basketball.//CA