Tennis star Kyrgios, umaming guilty sa pananakit sa kanyang dating kasintahan

Umaming guilty si Tennis star Nick Kyrgios sa pananakit sa dati niyang kasintahan.

Pagharap sa korte sa Canberra, inamin ng Wimbledon finalist ang pananakit sa dating nobya na si Chiara Passari noong January 10, 2021 sa pamamagitan ng pagtulak sa kanya sa lupa pagkatapos ng mainit na pagtatalo.

Nagsampa ng reklamo si Passari sa pulisya makalipas ang 10 buwan, pagkatapos nilang maghiwalay.

Sa isang pahayag na binasa sa korte, sinabi ni Passari na siya ay labis na na-trauma sa insidente.

Nakaranas umano siya ng pagbaba sa kanyang timbang, nananatili sa kama araw at gabi at hindi makatulog o kahit pumasok sa isang bagong relasyon.//CA