Pentagon, sinusubaybayan ang isang Chinese spy balloon sa US airspace

Patuloy na sinusubaybayan ng Pentagon ang isang Chinese spy balloon na lumilipad sa US airspace at umano’y nagsasagawa ng surveillance sa isang sensitive nuclear weapon sites.

Ang lobo ay pumasok sa US airspace ilang araw na ang nakakaraan.

Isinasaalang-alang ni Defense Secretary Lloyd Austin at ng mga mga top military officials ang pagbaril ng lobo ngunit maglalagay ito sa panganib sa napakaraming tao.

Ang Chinese spy balloon umano ay lumipad sa hilagang-kanluran ng US kung saan mayroong mga sensitive airbases at strategic missiles.//CA