PHO tiniyak na ginagawa ang lahat para mas marami ang mabakunahan

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Provincial Health Office na ginagawa nito ang lahat para mas marami ang mabakunahan kontra COVID- 19 para tuluyan nang maabot ang herd immunity sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mahigit 300, 000 na ang nabakunahan sa lalawigan sa target na mahigit 440, 000.

Mayroon pa umanong mga hindi nababakunahan lalo na sa mga malalayong lugar na mahirap marating.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Bukod sa kakulangan ng suplay ng bakuna noong mga nagdaang araw ay mayroon din aniyang ayaw pa ring magpabakuna o namimili ng brand.

Ang vaccine hesitancy umano ang nais nilang matanggal upang lahat ng Cam Norteno na ay bakunado.

Samantala, isinagawa naman kamakalawa ang Provincial Health Board meeting na pinangunahan ni Governor Edgardo Tallado na dinaluhan ng mga health officials at iba pang kumakatawan sa medical sector

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon sa PHO, kabilang sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ay ang COVID- 19 situation sa probinsiya, universal health care at iba pa.

Inihayag din sa naturang pagpupulong na nasa 59% na ng target na 70% ng kabuuang populasyon ng lalawigan ang nabakunahan kontra Covid-19.

Nadadagdagan pa ito dahil sa patuloy na ginagawang bakunahan sa iba’t- ibang bayan.