BNFM BICOL- Patuloy ang mahigpit na operasyon ng Municipal Health Office ng Camalig sa lalawigan ng Albay sa pagsagawa ng dis- infection sa mga pampubliko at pribadong pasilidad na posibleng simulan ng Covid 19 transmission.
Batay sa ulat, muling nagkasa ng Massive Dis-Infection ang Sanitation Team ng naturang tanggapan kahapon kung saan ilan sa mga pook kabilang na ang mga pamilihang bayan, satellite markets at mga eskinita ay isinaprayuridad sa dis- infection.
Kasabay nito, umikot rin ang Sanitation Team sa ilang kabahayan, pampublikong establisyemento, negosyo, at quarantine facilities upang mag sagawa ng naturang proseso.
Tiniyak rin ng grupo na na dis -infect ang mga lugar na madalas na dinadaanan ng maraming tao partikular ang mga pampublikong lugar.
Sa ngayon, kasalukyang nasa 518 ang confirmed cases ng Covid 19 sa naturang bayan, 33 ang fatalities habang 485 ang gumaling mula sa nasabing sakit.###