PHO bukas na sa ideyang magtayo ng sariling molecular laboratory sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagpahayag na ng kahandaan ang Provincial Health Office (PHO) na magtayo ng sariling molecular laboratory dito sa lalawigan ng Camarines Norte upang mapabilis ang  pag proseso ng mga specimen samples.

Sa isinagawang Operational period briefing kahapon, inihayag ng PHO na plano na nitong magkaroon ng naturang pasilidad kaya inihahanda na rin umano ang mga dokumento para sa aplikasyon nito.

Kung magkakaroon ng sariling testing laboratory ay hindi na kailangang dalhin sa labas ng lalawigan ang mga specimen samples para sa RT- PCR test.

Sa ngayon kasi ay nagpapadala ng samples ang probinsiya para sa RT- PCR test sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Camarines Sur at kung mas marami ay sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) sa Lungsod ng Legazpi.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Matatandaan na dati nang hinimok noon ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial Government na madaliin ang pagpapatayo ng sariling COVID- 19 testing facility sa lalawigan.

Hindi naman daw kasi kalakihan ang gagastusin sa pagpapatayo nito na aabutin lang a ng mga sampu hanggang labing limang  milyong piso.

Ang kapalit naman nito ay ang kahandaan ng lalawigan na masugpo ang COVID- 19 lalo na ngayong mayroong banta ng Delta variant.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Gayunman, sinabi noon ng PHO na bagamat maganda ang ideya ay may mga bagay na dapat ikunsidera tulad ng workforce.

Samantala, iniulat din kahapon ni Acting Provincial Health Officer Dr. Anel Francisco na nasa 89 % na ang accomplishment ng lalawigan sa pagbabakuna gamit ang Janseen COVID- 19 vaccine na para sa mga senior citizens.

Matatandaan na dumating sa lalawigan ang nasa 19,500 doses ng naturang brand ng bakuna noong July 28.