Kinumpirma ng Olongapo City Health Office na mag-asawa ang unang naitalang kaso ng covid-19 delta variant sa lungsod.
Maliban dito ay mayroon rin umanong travel history ang dalawa kung saan July 11 nang pumunta sa Manila, July 14 naman nang magpakonsulta sa isang pribadong ospital matapos makaramdam ng pananakit ng katawan at lagnat ang babae.
Dalawang araw pagkalipas nito o July 16 ay nagpaswab na umano ang mga ito at lumabas na positibo sa covid-19 kaya istriktong naghome quarantine.
Paliwanag ni City Health Officer Dr. Doods Bustamante, dalawang purong menor de edad kasi ang kasama ng mag-asawa kaya imbis na dalhin sa quarantine facility ay pinili ng mga ito na sa bahay na lamang istriktong manatili.
Kahapon lamang, August 6 nang makatanggap ng tawag ang Olongapo Inter-Agency task Force mula sa Department of Health na positibo naman ang mag-asawa sa delta variant.
Dahil dito bagamat kinokonsiderang recovered na ang mga ito dahil lagpas na sa 14-araw ang quarantine ay kinailangan muling isailalim sa swab test kabilang na ang close contacts, mag-quarantine muli at magkaroong ng contact tracing sa mga posibleng na-expose.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
