PHO at MHO ng Daet nagsanib pwersa sa kampanya kontra cervical cancer

CAMARINES NORTE – Nagsanib pwersa ang Provincial Health Office at Municipal Health Office ng Daet sa kampanya kontra cervical cancer ngayong  inoobserba ang Cervical Cancer Awareness Month.

Nagsagawa ng Cervical Cancer Screening  sa Social Hygiene Clinic ng Daet na naglalayong mabawasan ang mga kaso ng cervical cancer at para ma-eliminate ang sakit bilang public health problem.

Sinasabing ang ang cervical cancer ay ikalawa sa breast cancer na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan. Noong 2017, inihayag ng DOH at PHO na umaabot sa 500 kababaihan sa buong mundo ang na-diagnose na may cervical cancer at isa sa mga ito ang namamatay kada dalawang minuto. Nasa 97 percent ng cervical cancer ay sanhi ng tinatawag na Human Papilloma Virus (HPV) na siyang karaniwang sexually transmitted disease sa Amerika.

Noong taong iyon iniulat ng PHO sa isang pagtitipon dito sa Daet na nasa 50-80 percent ng mga Pinay ay nanganganib na magkaroon ng HPV infection at 56 percent naman sa Pilipinas na may cervical cancer ay namamatay sa loob ng isang taon dahil hindi agad natutuklasan at kung ma-diagnose man ay huli na. Isa ang cervical cancer sa tatalakayin ngayong umaga sa Press Conference ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *