Isang babae sa India, hindi umano kumakain at umiinom ng tubig sa loob ng 16 taon

Dahil sa curiosity pinuntahan ng American vlogger na si Drew Binsky ang isang babae sa Ethiopia para obserbahan kung totoong hindi ito kumakain at umiinom ng tubig sa loob ng 16 taon.

Kinilala ang kakaibang babae na ito na si Muluwork Ambaw na residente sa Ethiopia.

Ayon kay Drew binisita na umano ng Prime Minister si Ambaw dahil sa kakaibang kondisyon nito.

Ipinasuri na rin ng Prime Minister si Ambaw ngunit walang nakitang mali ang mga doktor sa health condition nito at nakita rin na walang laman na kahit na ano ang kanyang mga bituka.

At dahil wala siyang food intake, hindi rin nakakaramdam si Ambaw ng pagbabawas.

Sinabi ni Drew na sa loob ng  dalawang araw na inobserbahan niya ang babae, hindi talaga ito uminom at kumain.

Pero kahit walang pumapasok na sustansiya sa katawan, maayos ang kalusugan ni Ambaw.

Malakas ito at nagagampanan ang pang-araw-araw niyang gawain, tulad ng pagluluto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *