CAMARINES NORTE – Sarado na ang online registration via New Normal Waitlist System sa lalawigan ng Camarines Norte para sa mga aplikante sa August 2024 Career Service Examinations Pen and Paper Test- CSE-PPT.
Ito ay makaraang maabot na ang target slot ng mga aplikante. Sa Camarines Norte 1, 450 ang ibinigay na slot, 1, 300 sa professional at 150 sa subprofessional.
Batay sa advisory ng Civil Service Commission Region V, maliban sa Camarines Norte sarado na rin ang online registration sa Albay, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.
Pinapayuhan naman ang mga nagbabakasali pa ring makapasok na tumutok sa mga abiso ng CSC sa pamamagitan ng kanilang official facebook page.
May pag asa pa rin naman ang mga nagnanais pa ring kumuha ng exams. Sa sandali kasing magkulang o hindi dumating ang naka- schedula na mag file ng application ay bubuksan pa rin ang Nlist registration.
