Phivolcs, inanunsyo na posible pang pumutok ulit ang Mt. Bulusan

Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posible pang pumutok ulit ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, kailangang mag-ingat ng mga residente doon dahil maaari pa itong sumabog matapos ang naitalang dalawang eruption nitong buwan.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Hinimok ni Solidum ang mga tao doon na huwag pumunta sa permanent danger zone kung saan 4 na kilometro ang layo sa nasabing bulkan.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Samantala, nasa 32 na mga barangay na ang apektado sa naturang lugar kabilang na ang bayan ng Magallanes, Casiguran at Juban. (ARGIE ERGINA)