PHIVOLCS, ‘di inaalis ang posibilidad ng panibagong phreatic eruption ng Mt. Kanlaon

Patuloy ang monitoring ng PHIVOLCS sa Mt. Kanlaon.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, sinabi nitong dapat ay maging handa pa rin sa posibilidad na mga susunod phreatic eruption ng bulkan gaya ng naitala sa history nito.

Read More:  NBI gets VP Sara’s affidavit on Gracioso claims

Mula alas-12 ng umaga kahapon hanggang alas-12 ng umaga ngayong araw, 53 volcanic earthquakes ang naitala ng ahensya.

Mayroon ding 4, 113 tons per day ng sulfur dioxide na nailabas ang bulkan kahapon.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Significant aniya ito pero expected na rin dahil kapuputok pa lamang ng bulkan.

Samantala, pinag-aaralan pa rin umano ng ahensya ang tyansa ng mas malakas pang pagsabog mula sa bulkan.