Kampo ni Mayor Guo: pinagpaliwanag sana muna kami

Nanindigan ang kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi sila nabibigyan ng due process sa harap ng pagdinig ng Senado sa posibleng kaugnayan ng alkalde sa POGO.

Ito ay matapos patawan si Guo ng anim na buwang suspensyon ng Ombudsman, at ng nauna nang pag-aalis ng police power dito.

Read More:  DepEd reminds teachers, students: content creation has no place during class hours

Sa panayam ng Brigada News FM Manila sa legal counsel ni Mayor Guo na si Atty. Stephen David, sinabi nitong bagamat may kakayahan ang Ombudsman na magpataw ng preventive suspension, sana man lang daw ay pinagpaliwanag muna sila.

Read More:  Suspected rocket debris recovered along Palawan coast

Samantala, abiso raw ni David sa kanyang kliyente na huwag magpa-DNA test.

Kung sinasabi raw kasi ng Senado na si Wen Yi Lin ang nanay ni Guo, dapat ang Mataas na Kapulungan din ang magpatunay nito.